Our Promag300 Journey

“Ang paggawa ng mabuti ay hindi magbubunga ng masama”
- Kuya Daniel Razon (MCGI Vice Presiding Minister)
Isa sa mga naging prinsipyo namin sa buhay na gawin ang tama habang ipinahihintulot ng pagkakataon sapagkat alam namin na hindi naman liko ang Dios para limutin ito.
Nagsimula ang aming Promag300 Journey noong October 17, 2019 ganap na ika 11:35 ng gabi nang sumakay ng E-Jeep sa Taguig ang aking ama na si Tatay Alex mula sa pamamasada. Siya ay nabugbog dahil sa bintang na sya ay nangnghipo di umano ng isang kapwa pasaherong babae. Masakit man isipin ngunit napakailap ng hustisya ng mga panahon na iyon dahil maging ang baranggay at pulisya ay naniwala sa babae ng walang sapat na ebidensya at ang aking ama ay hinatulan, binugbog sa loob ng baranggay ng pamilya ng babae at sapilitan pinahingi ng paumanhin sa babae at pamilya nito. Sa tulong ng CCTV na aking pinagsikapan na makuha ay lumabas ang katotohanan at ang kanilang kasinungalingan ay nasaksihan ng buong bansa at ibang panig ng mundo.
Buti na lamang at may programang RAFFY TULFO IN ACTION. Lubos kaming nagpapasalamat sa Dios at kay Sir Raffy Tulfo na kami ay natulungan na linisin ang pangalan ng aking ama at makamit ang nararapat na hustisya.
Di lamang hustisya ang aming nakamit, dahil dito ay tinulungan kami ng UPMI (Ultra Proactive Marketing Inc.) sa pangunguna ng CEO ng kumpanya, Attty. Freddie Villamor. Pasimulang puhunan para sa panibagong buhay para kay Tatay Alex.
Sa ngayon ay hindi na sya namamasada ng jeep at nasa bahay na lamang siya. Tulong-tulong kaming pamilya sa pag-repack at pag-deliver ng mga order ng Promag300. Nakakataba ng puso sapagkat nasusuklian ng mga magagandang feedback ang aming mga pinagpaguran. Maraming kababayan natin ang nakasaksi kung gaano ka-epektibo ang promag300 sa kahit ano mang uri ng karamdaman. (https://tatayalex.com/pages/testimonials).
Kami po ay patuloy na lalaban sa hamon ng buhay at gaya nga ng sabi ng aking ama, “Tuloy po ang kaso”.
Manaig nawa ang hustisya sa ating bansa! :)
Maraming salamat po!
Christian “Xian” Gutal
(Anak ni Tatay Alex)

 

Youtube Videos:

Raffy Tulfo in Action - VIRAL VIDEO NG ALITAN NG LALAKI AT BABAE SA E-JEEP
PART 1: https://youtu.be/MooPdc5YbKA
PART 2: https://youtu.be/9Fzg8ZZCS5E
PART 3: https://youtu.be/3jh1O6Oj11M
PART 4: https://youtu.be/DbXyIXW0XC4
PART 5: https://youtu.be/V3OqnC9oIAc
PART 6: https://youtu.be/ilVhSRK0xdc
PART 7: https://youtu.be/hnVVVuLxgYE
PART 8: https://youtu.be/SW0LA9nN8AE
PART 9: https://youtu.be/bCkGKSGfPis
PART 10: https://youtu.be/zAMeuppUrhI
PART 11: https://youtu.be/nsWu620b-Wg
PART 12: https://youtu.be/llhtqtVa6Lw